Titik at Musika: Tanny H. Gosgolan

1

Salamat Po, O Panginoon

Sa’yong kabutihan

Ipinagkaloob Mo ang Iyong Bugtong na Anak

Na Hari ng sanlibutan

Upang aming maging daan

Tungo sa buhay na walang hanggan.

 2

Salamat Po, O Panginoon

Sa’yong pagmamahal

Nawa ay pagharian Mo ang Iyong sambayanan

Tanglawan sa oras ng kadiliman

At nawa’y Iyong igawad ang Iyong kapayapaan.