Posted by Nathaniel H. Gosgolan on Wednesday, October 19, 2011
Titik at Musika: Tanny H. Gosgolan Loo…
1
Nais kong ialay ang buong buhay ko sa Iyo-
O, Panginoon.
Maging sa oras ng kagipitan o kamatayan man
Ako ay sa Iyo O, Panginoon. Panginoon, Oo…
2
Nais kong umawit sa buong buhay ko sa Iyo,
O, Panginoon.
Ako ay magpupuri sa tuwa o kalungkutan man
Ako ay sa Iyo, O Panginoon.
Koro:
Tanggapin Mo, O Panginoon
Ang aking munting handog
Pagkat ito ay nagmumula sa busilak kong puso.
Kung sakali mang ako’y mabigo
Ibulong Mo lang tatalima ako.
(Ulitin mula sa una)
Panginoon, oo…