Titik at Musika: Tanny H. Gosgolan

Nang ang mundo’y nilikha

Ito’y maganda at mapayapa

Wala nang hahanapin pa, oo…

Ngunit di nagtagal ito’y unti-unting nasira          

Tao’y naging makasarili, Ooo…

 

Di pa naman huli kung babaguhin ang sarili

Pagdurusa’y mapapawi.

Koro:

Tayo na sumakay!

Sumabay sa karaban ni Hesus.

Sama-samang maglakbay

Na ang gabay ay ang liwanag.

Tayo na sumakay!

Sumabay sa karaban ni Hesus.

 

Dalhin natin ang langit sa lupa.

Damhin natin ang langit sa lupa.

H’wag magbulag-bulagan

Puso’t damdami’y buksan.

Maging tanglaw sa kapwa’t

Ituwid ang daan.

Coda:

Tayo na sumakay!

Sumabay sa karaban ni Hesus!