Titik at Musika: Tanny H. Gosgolan

 

Humayo ka at iyong ipahayag

Ang pag-ibig ng Diyos sa'ting lahat.

Humayo ka at iyong ipangaral

Ang Mabuting Balita sa sanlibutan.

 

Koro:

Nagapi na sa krus ang kamatayan

Ni Kristo Hesus Poon nating mahal

Nasa atin na'ng liwanag at buhay,

Humayo't ipangaral/ipahayag sa sanlibutan.

(Ulitin ang Koro)