Titik at Musika: Tanny H. Gosgolan
Koro 1:
Halina't umawit ng papuri
Isigaw sa mundo taglay N'yang pag-ibig
Ang awa N'ya ay hindi malirip
Sa Bayan N'yang pinili.
Koro 2:
Halina't Umawit ng papuri
Sumabay sa pintig ng titk at himig
Pasalamatan ang Diyos sa langit
Sa pagpapalang hatid.
1
S'ya ang lumikha ng araw, b'wan at bit'win sa langit
Ang tubig at lupa at lahat ng bagay sa daigdig
Kahanga-hanga O Diyos naming ibig
Biyaya Mong hatid.
(Ulitin ang Koro 1 at 2)
Coda:
Sa pagpapalang hatid.