Posted by Nathaniel H. Gosgolan on Wednesday, October 19, 2011
Titik at Musika: Tanny H. Gosgolan Koro:
Halina, halina ating ipagdiwang
Ang pag-ibig ni Kristo para sa lahat
Sama-samang mag-alay na may tuwa’t galak
Umawit , magpuri ng buong lakas.
1
Ipadama sa bawat puso
Ang pag-ibig N’yang tapat
Na walang pinipili maging sino’t ano pa
Ang daigdig may pag-asang muling magkaisa
Kung pag-ibig ni Kristo nasa atin na. Ah!
2
Buksan mo ang iyong puso sa Kanyang salita
At ito’y bigyang buhay sa mga gawa
Ang daigdig may pag-asang muling magkaisa
Kung pag-ibig ni Kristo nasa atin na. Ah