Posted by Nathaniel H. Gosgolan on Monday, September 24, 2012
Titik at Musika: Tanny H. Gosgolan
1
Bayang pinili sa Silangan
Ni Mariang ina ng Sandaigdigan
Bayang may takot sa Diyos
at pusong mapagmahal.
2
Bayang puspos ng biyaya
Kay Maria lubos na nagtitiwala
Ang pag-ibig n’ya’y liwanag at gabay
Tanglaw sa aming buhay.
Koro:
Filipinas, amante pueblo de Maria
Kay Hesus tungo sa Ama
Pilipinas, bayang pinili ni Maria
Mananatili ka sa puso ng bawat isa.
3
Bayang laging nananalangin
Sa Inang lumuluha sa awa sa atin
Panawagan n’ya ay ating dinggin
Magbalik-loob sa Diyos Ama natin.
(Ulitin ang koro)
Mananatili ka sa aming puso O, Ina.