Batay sa Panalangin ni St. Francis of Assisi

Titik at Musika: Tanny H. Gosgolan

1 

Panginoon, gawin Mo akong daan 

ng ‘Yong kapayapaan

Ang ‘Yong pag-ibig nawa’y

 aking maipamagitan

Sa mga taong labis ang kalungkutan;

Sa may alitan at pusong sugatan.

 2

Panginoon, gawin Mo akong daan

Ng ‘Yong kapayapaan.

Ang ‘Yong pag-ibig

Nawa’y aking maipamagitan.

Sa mga taong lubos ang pag-aalinlangan

At hindi nagkakaunawaan;

Walang sigla’t saklaw ng kadiliman.

Koro:

Panginoon, dalangin ko sana’y di maghangad

Ng kapalit na pagkalinga,

Pag-unawa at pagmamahal

Dahil sa pagbibigay at pagpapatawad

Kami ay magiging ganap.

(Ulitin lahat maliban sa huling linya.)

Koda:

At sa pagbibigay ng sarili

Makakamtan ang buhay na walang hanggan.

Amen!