Posted by Nathaniel H. Gosgolan on Wednesday, October 19, 2011
Titik at Musika: Tanny H. Gosgolan Panginoon kami natitipon
Sa handog Mong banal na piging.
Tumutugon, nakikibahagi
Sa tawag ng Iyong pag-ibig.
1
Umaawit ng papuri
Na Ikaw ang titik at himig.
Di malirip ang pag-ibig
Na sa t’wina’y laman ng dibdib.
Ah…
2
Ang hiling ko’y manatili
Sa’king puso ang ‘Yong pag-ibig
Na aapaw sa paligid
Sa’king kapwa’t sa buong daigdig.
Ah…