Titik at Musika: Tanny H. Gosgolan

1.

Panginoon aming alay

Likha ng aming mga kamay

Mula sa Iyong biyayang bigay

Dito sa lupa at karagatan.

Koro:

Tanggapin Mo Poon at ‘Yong basbasan

Iyong dalisayin, gawin Mong banal.

Tanggapin Mo Poon at ‘Yong basbasan

Itong aming alay gawin Mong si Kristong tunay.

2.

Panginoon, aming alay

Itong alak at tinapay

Tanda ng Iyong pagmamahal

Sa bayan Mong ibig magpakailanman.

Koro:

Tanggapin Mo Poon at ‘Yong basabasan

Iyong dalisayin, gawin Mong banal.

Tanggapin Mo Poon at ‘Yong basabasan

Itong aming alay gawin Mong si Kristong tunay.

3.

Panginoon, aming alay

Angking talino’t kakayahan;

Mga pagsubok at tagumpay;

Pag-ibig, pag-asa habang buhay. (Koro)

Coda:

Itong aming alay gawin Mong si Kristong tunay…